My Stand on the Impending MRT/LRT Price Hike

9:59:00 AM

Ilang 48 Pesos Ang Kaya Mong Ipamigay?

"Kung ang MRT fare ay babagsak lamang sa P20 - P22 (If the MRT fare reaches P20 to 22) it could mean a fare hike of about P8.
Source.
Akala ko ba magtataas na sa 40+ pesos ang MRT at LRT fares? Hanggang ngayon, kahit maraming kontra sa pananaw ko, pabor pa rin ako sa MRT/LRT price hike. Bakit?
Velasco said that in the case of the MRT-3, the government subsidizes up to P48 for each passenger, because the real cost of a P15 trip is P63.
Source.
48 PESOS! Ganyan kalaki ang sagot ng gobyerno sa bawat 15-peso worth ng pamasahe sa MRT. Ngayon bibigyan ko kayo ng scenario.

Meet Jen. Kumikita ng hindi lalampas sa 17,000 pesos kada buwan. Nagbabayad ng tax na nagrarange sa 2k-5k. (5k pag may mga bonus na kasama ang sweldo.)

Meet Minimum-Wage Employee. Kumikita ng 8,000 pesos kada buwan. Exempted sa tax.

Saan ba napupunta yung tax na binabayad ni Jen? Porsyento niyan ang pinapang-subsidize sa public transportation. Oo, tayo rin ang nagbabayad ng 48 pesos ng mga taong hindi nagbabayad ng tax.

Oo, kung sa figures ka titingin, malamang, mas malaki ang 17,000 sa 8,000 kada buwan. Pero kung titignan ang porsyento ng take home pay ng bawat isa, olats yung kay Jen.

Jen's take home pay = More or less 76% of gross salary
Minimum-Wage Employee's take home pay = 100%

I'm sorry kung may maooffend. Pero hindi naman kasi 'to charity. Reklamo tayo ng reklamo sa mga corrupt officials, pero hindi natin nakikita na may iba pang nananakaw na pera sa atin.

Hindi dahil mura, okay na. Maraming cons ang murang pamasahe. Isa dyan ang tila na-rape ka dahil sa itsura mo pagkatapos makipagbakbakan sa tren. Marami ding nakakasakay na mandurukot. Luma ang mga facilities. Hindi ko na kelangan banggitin pa lahat. For sure, alam mo na rin naman yan kung sumasakay ka sa tren.

I say, kung di mo kayang magbayad para sa mas mabilis at comfortable na public transportation (yun e pag umabot na sa 40+ ang fare), then take the bus. Flourishing countries in Asia do it. Why can't we?
Traffic? Edi gumising ng mas maaga para hindi malate.

You Might Also Like

0 comments